CHIBA
Inaresto ng pulisya sa Chiba City ang isang 46-anyos na babae, walang trabaho, dahil sa hinalang tangkang pagpatay matapos niyang saksakin sa likod ang kanyang 10-anyos na anak.
Nangyari ang insidente dakong alas-4:20 ng umaga noong Sabado, iniulat ng Kyodo News. Sinabi ng pulisya na tumawag sa 119 ang panganay na anak ng babae at sinabing ilang beses na sinaksak ng kanyang ina ang likod ng kanyang kapatid gamit ang kutsilyo.
Sumugod ang mga pulis sa pinangyarihan at natagpuan ang batang lalaki na may ilang mga tama ng kutsilyo sa kanyang likod sa kanyang unang palapag na kwarto.
Dinala siya sa ospital kung saan sinabi ng mga doktor na ang kanyang mga sugat ay hindi life threatening.
Nasa bahay noon ang asawa ng babae ngunit natutulog sa ikalawang palapag nang mangyari ang insidente.
Sinabi ng pulisya na sa ngayon ay wala pang ibinibigay na motibo ang babae kung bakit niya sinksak ang kanyang anak.
© Japan Today
Join the Conversation