Dumadagsa ang mga bisita sa taunang pagdiriwang ng cherry blossom ng Washington upang mamangha sa mga punong naibigay ng Japan mahigit 100 taon na ang nakalilipas.
Ang kabisera ng US ay may higit sa 3,000 puno ng cherry, kabilang ang iba’t ibang uri ng Somei Yoshino at iba pa na ibinigay ng alkalde ng Tokyo noong 1912.
Ang pagdiriwang ay nagbabadya ng pamumulaklak ng mga bulaklak. Sa taong ito, nagsimula ang kaganapan noong Lunes.
Inaasahan ng National Park Service na darating ang peak bloom sa isang linggo hanggang 10 araw na mas maaga kaysa karaniwan, dahil sa mas mainit na taglamig.
Isang residente ng Washington na nagsabing natutuwa siya sa mga bulaklak taun-taon ay nagsabing masaya at ipinagmamalaki niya ang katotohanan na ang mga puno ay ibinigay ng Japan at sumisimbolo sa pagkakaibigan.
Mahigit sa 1.5 milyong tao ang inaasahang bibisita sa pagdiriwang hanggang Abril 16. Ang mga kaganapang nagpapakita ng kultura at pagkain ng Hapon ay pinaplano sa panahon iyun.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation