Pinoy at isa pang kasabwat huli sa pagnanakaw ng mga Pokemon card na nagkakahalaga ng humigit-kumulang 2,660 na lapad

Noong Agosto, dalawang tao ang inaresto dahil sa pagnanakaw ng 539 "Pokemon card" na nagkakahalaga ng humigit-kumulang 2,660 na lapad sa isang card shop sa Chiyoda Ward.  Isa sa mga suspek ay isang lalaking Filipino national at isang Hapon na kasabwat.  #PortalJapan see more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspPinoy at isa pang kasabwat huli sa pagnanakaw ng mga Pokemon card na nagkakahalaga ng humigit-kumulang 2,660 na lapad

Noong Agosto, dalawang tao ang inaresto dahil sa pagnanakaw ng 539 “Pokemon card” na nagkakahalaga ng humigit-kumulang 2,660 na lapad sa isang card shop sa Chiyoda Ward.  Isa sa mga suspek ay isang lalaking Filipino national at isang Hapon na kasabwat.

Noong Nobyembre noong nakaraang taon, nagkaroon ng insidente kung saan ninakaw ang mga mamahaling “Pokemon card” sa Akihabara, Tokyo. Nahuli nung nakaraan ang isang Pinoy at ang kasabwat nitong Hapon.

Dalawang tao ang nakunan ng security camera na nagpakita sa labas ng entrance ng tindahan.  Ang isa ay gumamit ng mala-crowbar na bagay para buksan ang mga shutter ng tindahan, habang binago ng isa ang anggulo ng security camera.

Pumasok silang dalawa sa tindahan mula sa ilalim ng shutter na sapilitang binuksan, sunod-sunod na sinisira ang mga showcase at ninakaw ang mga baraha.  Ayon sa tindahan, noong Nobyembre noong nakaraang taon, humigit-kumulang 20 milyong yen ang pinsala, kabilang ang mga nawasak na bagay.  Nasira ang tindahan anim na araw lamang matapos itong magbukas.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund