Pina-plano ng pamahalaan ng Japan na mag-issue ng sertipiko para sa Segurong Pangkalusugan sa mga wala pang My Number Card

Ayon sa mga ito parehas ang nilalamang impormasyon ng sertipiko at nang Health Insurance Card.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspPina-plano ng pamahalaan ng Japan na mag-issue ng sertipiko para sa Segurong Pangkalusugan sa mga wala pang My Number Card

Pinaplano ng Pamahalaan ng Japan na mag-issue ng mga sertipiko para sa mga taong wala pang My Number card upang ang mga ito ay makapag-pagamot sa mga medical facilities at masakop ng Segurong Pangkalusugan.

Plano ng Pamahalaan na tanggalin ang kasalukuyang Health Insurance Card sa darating na Autumn next year at ipaloob ito sa My Number Card. Sa kasalukuyan, inaalam ng pamahalaan ang mga maaaring maging problema sa nasabing plano upang agad itong masulusyunan ng maaga.

Nais na mag-issue ang Pamahalaan ng mga sertipiko sa mga taong nawala ang mga My Number Card at hindi pa naipo-proseso ang pagpapa-re-issue nito.

Ayon sa mga ito parehas ang nilalamang impormasyon ng sertipiko at nang Health Insurance Card.

Sa kasalukuyan rin ay, humahanap ng posibleng rason upang mapa-haba ang validity ng Health Insurance Card sa itinakdang panahon lamang.

Plano rin nilang, payagan ang mga magulang na pagawaan ng My Number Card ang kanilang bagong silang na bata kasabay sa pag-papa-rehistro ng kapanganakan nito sa munisipyo.

Ang mga ii-issue na card para sa mga bagong silang na sanggol at mga batang hindi pa umaabot ng 1 taon ay wala munang litrato. Ito ay valid hanggang sa sumapit ang ika-limang kaarawan ng bata.

Isusumite ng pamahalaan sa Diet Bill ang masabing plano upang maisagawa sa kasalukuyang session.

Source and Image: NHK World Japan

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund