Isang taga-pangalaga o magulang nang isang lalaking mag-aaral sa Junior High School sa Hiroshima, western Japan ay nananawagan na i-review ang alituntunin ng paaralan sa pag-babawal sa mga estudyante na mag-suot ng coat sa ibabaw ng uniporme, kapag malamig ang panahon.
Ayon sa magulang at mga opisyales ng paaralan, ang batang lalaki ay sinita ng isang guro sa gate ng paaralan noong umaga ng January 25, araw na mayroong snowstorm.
Sinabihan umano ang bata na naka-saad sa alituntunin ng paaralan na ipinag-babawal ang pag-suot ng coat sa ibabaw ng uniporme.
Ang pinaka malamig na hangin nitong season ay nag-dulot ng pag-baba ng temperatura na umabot sa negative 4.2 degrees Celsius, ito ay tumaas ng bahagya na 3.1 degrees Celsius.
Nilagnat ang bata kinabukasan. Umayos naman ang pakiramdam nito makalipas ang ilang araw ngunit ang bata ay lumiban sa paaralan hanggang February 1.
Base sa listahan ng mga alituntunin ng paaralan, maaaring gumamit ng sweater, muffler/scarves at gloves ang mga mag-aaral sa panahon ng tag-lamig, ngunit wala sa listahan ang coat. Ayon sa paaralan, wala silang permiso na palitan ang alituntunin ng paaralan.
Sa isang panayam kasama ang NHK, sinabi ng paaralan na ang mga alituntunin ay maaaring i-review upang umangkop sa panahon at sitwasyon. Idinagdag rin nila na dapat sundin ng mga mag-aaral ang alituntunin ng mga paaralan dahil ito ay para sa kanilang kaligtasan.
Ayon sa magulang ng mag-aaral, sentido kumon ang pag-suot ng dahil malamig ang panahon.
Source: NHK World Japan
Join the Conversation