Isang pigura na mukhang mummy ng isang unggoy na mayroong buntot ng isda ang matagal nang nasa isang Buddhist Temple sa western Japan. Kamakailan, isang grupo ng mananaliksik ang sumiyasat sa mummy na tinawag na Mermonkey, base sa pinagdugtong na mga salitang Mermaid at Monkey, ayon sa mga ito ang bagay na ito ay isang artifact na ginawa nuong panahon ng 19th century.
Ang bagay na sumu-sukat ng mahigit 30 sentimetro ay nasa pangangalaga ng Enjuin Temple sa Prepektura ng Okayama, ang deskripsyon na naka-sulat dito ay “Dried Merman”.
Ilang grupo ng mga mananaliksik mula sa iba’t-ibang organisasyon, kabilang ang Kurashiki University of Science and The Arts and Kurashiki Museum of National History ang sumiyasat sa pigura mula pa nuong Pebrero nuong nakaraang taon. Kabilang sa pagsisiyasat ang pag-kuha ng x-ray upang malaman kung ano ang nasa loob nito.
Nagbigay na ng resulta ang mga mananaliksik sa isang news conference nitong Martes.
Sinabi nila na ang pigura ay walang bungo at ribs, at ang pang itaas na bahagi ng pigura ay gawa sa papel at tela. Sinabi rin nila na ang pang-ibabang bahagi ng katawan ay sa isang klase ng isda na naninirahan sa karagatan ng Japan, ito ay base sa hugis ng kaliskis at iba pang ebidensya.
Idinagdag pa nila na base sa radioactive carbon ng mga materyales na ginamit, ito ay maitatalang ginawa sa ikalawang bahagi ng 19th century.
Ayon pa sa mga mananaliksik base sa pinaniniwalaang mga kwentong katutubo, ito ay ginawa para makapag-pasaya at hindi para sambahin. Kalauna’y ito ay inilipat templo.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation