Ang northern city ng Yamagata ay muling nasungkit ang top spot para sa Ramen noodle consumption sa Japan nitong 2022. Ito ay huling nag-kampyeon sa titulo nuong taong 2020.
Inilabas na ng Internal Affairs Ministry ang resulta ng survey. Ipinapa-kita rito na ang karaniwang taunang gastos sa ramen dishes sa mga restaurants at deliveries sa mga kabahayan sa lungsod nuong nakaraang taon ay umabot sa ¥13,196 yen o mahigit $100 dolyares.
Isang may-ari ng Ramen shop ay nag-sabi na ito ay resulta ng pagsisikap ng buong lungsod, kabilang ang mga miyembro ng Ramen Council at mga costumers.
Ayon kay Mayor Takahiro Sato ng Lungsod ng Yamagata, ang mga residente sa lungsod, mga turista at mga taong nasa ibang lugar ay mahilig talaga sa ramen. Sinabi pa ng Alkalde na ito ang malakas na punto ng kanilang lungsod. Idinagdag rin nito na mas lalo nilang pagbubutihin ang kanilang trabaho upang maka-gawa ng mas masarap na produkto na siyang tutulong upang umunlad ang kanilang lungsod.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation