Lalaki, arestado dahil sa pambubugbog sa kostumer na nagtagal sa toilet ng convenience store

Inaresto ng pulisya sa Funabashi, Chiba Prefecture, ang isang 21-anyos na lalaki dahil sa pag-atake at pagnanakaw matapos niyang bugbugin ang isang 37-anyos na lalaki at nakawin ang kanyang pitaka sa labas ng isang convenience store. #PortalJapan see more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspLalaki, arestado dahil sa pambubugbog sa kostumer na nagtagal sa toilet ng convenience store

FUNABASHI, Chiba

Inaresto ng pulisya sa Funabashi, Chiba Prefecture, ang isang 21-anyos na lalaki dahil sa pag-atake at pagnanakaw matapos niyang bugbugin ang isang 37-anyos na lalaki at nakawin ang kanyang pitaka sa labas ng isang convenience store.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente dakong alas-12:40 ng madaling araw noong Sabado, iniulat ng Kyodo News.  Sinabi ng pulisya na ang suspek na si Hayato Baba, isang construction worker mula sa Narashino sa Chiba Prefecture, ay umamin na sinuntok ng dalawang beses sa mukha ang biktima at ninakaw ang kanyang pitaka na naglalaman ng 110,000 yen.

Sinabi ng pulisya na nagtamo ng minor injuries sa mukha ang biktima.
Si Baba ay sinipi ng pulisya na nagsabing gusto niyang gumamit ng banyo sa convenience store at nagalit siya dahil natagalan ang lalaking nauna sa kanya.  Sinabi niya sa pulisya na hindi niya inatake ang lalaki na may layuning pagnakawan siya.  Sinabi niya na kinuha niya ang wallet sa spur of the moment matapos itong malaglag sa damit ng biktima habang siya ay bumagsak.

Isang witness ang tumawag sa 119. Pagdating ng mga pulis sa pinangyarihan, nandoon pa rin si ang suspect, umiinom ng alak.
© Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund