Umalis na ang mga Japanese emergency responder patungo sa Turkey na naapektuhan ng lindol upang magbigay ng medikal na suporta at sumali sa mga rescue operation.
Tatlong miyembro ng nonprofit na organisasyon na TMAT ang lumipad mula sa Haneda Airport ng Tokyo noong Martes ng gabi.
Ang advance team ay mananatili sa Turkey nang humigit-kumulang 10 araw upang suriin ang sitwasyon sa mga apektadong lugar at matukoy ang pangangailangan para sa tulong medikal.
Sinabi ni Doctor Sakamoto Takamitsu na gusto niyang malaman kung ano ang maaari niyang gawin sa maraming doktor na magmumula sa buong mundo.
Si Nurse Nishimura Hirokazu ay nagpahayag ng pag-asa na tulungan ang mga tao na ma-access ang mga serbisyong medikal habang tinitiyak ang kaligtasan.
Noong Martes din, 55 na mga aid workers ang umalis patungong Turkey bilang pangalawang batch ng emergency response team ng gobyerno.
Join the Conversation