Emperor at Empress ng Japan, nakilala ang Philippine First Couple

Ani ni Pangulong Marcos Jr., kahit na ang Pilipinas ay may masalimuot na alaala ng digmaan, ang bansa ay nakabuo ng napakalakas na ugnayan sa Japan pagkatapos ng digmaan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspEmperor at Empress ng Japan, nakilala ang Philippine First Couple

Nakipagpulong ang Emperor at Empress ng Japan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Pilipinas, na ngayon ay nasa kanyang unang opisyal na pagbisita sa Japan mula nang manungkulan noong Hunyo ng nakaraang taon.

Si Marcos at ang kanyang asawa, si First Lady Louise Araneta-Marcos, ay bumisita sa Imperial Palace noong Huwebes ng hapon, ang ikalawang araw ng kanilang limang araw na pananatili sa Japan.

Ayon sa Imperial Household Agency, ang Emperor at Empress at ang Philippine First couple ay nagsagawa ng mga pag-uusap gamit ang wikang  Ingles sa loob ng humigit-kumulang 25 minuto sa isang friendly mood, halos walang interpreter nuong nag-usap sila.

Ayon sa mga opisyal ng ahensya, ang Emperor ay nagpahayag ng kanyang matinding panghihinayang sa katotohanan na ang Pilipinas ay naging isang battlefield noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at malaking bilang ng mga residente doon ang namatay bilang resulta.

Sinabi ng mga opisyal na tumugon ang pangulo na kahit na ang Pilipinas ay may masalimuot na alaala ng digmaan, ang bansa ay nakabuo ng napakalakas na ugnayan sa Japan pagkatapos ng digmaan.

Sinabi rin ng mga opisyal na ibinahagi ni Empress Masako at ng Philippine First Lady ang kanilang mga kuwento tungkol sa New York, kung saan ginugol ng Empress ang kanyang pagkabata, at ang Unang Ginang ay nag-aral sa isang unibersidad.

Pagkatapos ng pagpupulong, ihinatid ng Emperor at Empress ang Pangulo ng Pilipinas at ang kanyang asawa sa pasukan at kumakaway sa kanila habang sila ay umalis.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund