Bilang ng mga pumanaw sa Turkey, Syria, lumagpas na sa 24,000

Dumating na ang mga damit, kumot at iba pang mga relief supply mula sa buong bansa. Ang mga tao ay kumukuha ng mga bagay na kailangan nila.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspBilang ng mga pumanaw sa Turkey, Syria, lumagpas na sa 24,000

Ang bilang ng mga namatay mula sa mga lindol noong Lunes sa Turkey at Syria ay umabot na sa 24,000.

Ang magnitude-7.8 na lindol at ang sumunod na pagyanig ay nagresulta sa pagkamatay ng 20,937 katao sa Turkey at 3,553 katao sa Syria.

Ang mga pagsisikap sa pagsagip ay nagpapatuloy.

Sa Kahramanmaras, southern Turkey, isang batang babae na na-trap sa ilalim ng debris nang mahigit 110 oras ang nailigtas noong Biyernes.

Ang mga istasyon ng suporta ay nai-set up sa Kahramanmaras.

Ang isa sa mga ito ay nasa isang liwasan kung saan humigit-kumulang 4,500 katao ang nananatili sa mga tolda. Ang mga awtoridad sa pamamahala ng kalamidad at mga boluntaryo mula sa buong bansa ay nagtipon doon upang tulungan ang mga nawalan ng tahanan.

Ang mga nakatira sa mga tolda ay bumuo ng mahabang pila para tumanggap ng mainit na pagkain, kabilang ang sopas.

Dumating na ang mga damit, kumot at iba pang mga relief supply mula sa buong bansa. Ang mga tao ay kumukuha ng mga bagay na kailangan nila.

Isang babaeng na may walong buwang gulang na sanggol ang nagsabing nagpapasalamat siya dahil wala siyang magagawa kung wala ang suporta.

Nagpasalamat din ang isang 63-anyos na babae ngunit sinabing mahirap mabuhay nang walang shower o malinis na palikuran.

Sinabi niya na ito ay napakalamig, at na kung umuulan, ang temperatura ay maaaring bumaba pa.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund