Sinabi ng kagawaran ng hustisya ng Pilipinas na nilalayon nitong pauwiin ang apat na Japanese national, na pinaniniwalaang nauugnay sa serye ng mga nakawan sa Japan, nang sabay-sabay.
Nakipag-usap ang isang tagapagsalita ng departamento sa mga mamamahayag noong Martes. Sinabi niya na nais ng Japan na ang apat na lalaki ay magkakasamang i-deport. Aniya, tutuparin ng Pilipinas ang kahilingan, kahit na natapos pa lamang ang paghahanda para sa ilan sa mga suspek.
Ang mga opisyal ng pulisya ng Japan ay nagsilbi sa mga lalaki na may mga warrant of arrest, dahil naniniwala sila na ang mga indibidwal ay dating sangkot sa mga scam sa telepono sa Japan. Noong Lunes, opisyal nilang hiniling sa mga awtoridad sa Pilipinas na ibigay sila.
Kasalukuyang nakakulong ang apat na suspek sa isang immigration facility sa Pilipinas. Tatlo sa kanila ay kasalukuyang nasa paglilitis. Ang mga pagdinig sa korte tungkol sa dalawa sa mga kaso ay nakatakdang isagawa ngayong linggo.
Sinabi ng tagapagsalita na posibleng maiskedyul ang handover ng mga suspek, kapag na-dismiss na ang lahat ng kaso.
Nagpahayag ang gobyerno ng Pilipinas ng intensyon na ayusin ang usapin bago bumisita sa Japan sa susunod na linggo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Samantala, noong Martes, kinumpiska ng pulisya at mga awtoridad ng imigrasyon ng Pilipinas ang halos 10 smartphone sa immigration facility, kung saan nakakulong ang apat na suspek.
Nakumpiska rin nila ang mga PC, wireless router at 500,000 pesos na cash. Iyon ay humigit-kumulang 9,000 dolyares.
Sinabi ng mga awtoridad ng Pilipinas na plano nilang higpitan ang mga hakbang sa mga pasilidad ng imigrasyon. Sinasabi nila na hinala nila na pinapayagan ng mga opisyal sa mga site ang mga bilanggo na gumamit ng mga smartphone, kapalit ng mga suhol.
Join the Conversation