Ang Tokyo Metropolitan Police Department ay nagpadala ng isang pangkat ng mga imbestigador sa Pilipinas upang ibalik ang dalawa sa apat na Japanese na nakakulong sa isang pasilidad ng imigrasyon. Doon na sila nilitis sa isang hiwalay na kaso mula sa iniimbestigahan ng pulisya ng Tokyo.
Isang pangkat ng humigit-kumulang 15 imbestigador at opisyal mula sa Tokyo Police at ng National Police Agency ang umalis sa Narita Airport malapit sa Tokyo Lunes ng hapon.
Ang Tokyo Police ay nakakuha ng warrant of arrest para kay Watanabe Yuki, Kojima Tomonobu, Fujita Toshiya at Imamura Kiyoto dahil sa hinalang nagsagawa sila ng telephone scam sa Japan mula sa Pilipinas. Hinala ng pulisya, si Watanabe ang pinuno ng grupo.
Nag-usap ang dalawang gobyerno sa pagpapa-extradite sa apat na suspek, dahil hinala ng Japanese police na sila rin ang nag-oorkestra ng serye ng mga nakawan sa Japan.
Hindi pa maaaring ibigay sa Japan sina Watanabe at Kojima dahil nagpapatuloy pa rin ang kanilang mga paglilitis sa bansa.
Dadalhin ng koponan sina Fujita at Imamura pabalik sa Japan sa Martes.
Nakatakdang arestuhin at tanungin ng pulisya ng Tokyo ang lahat ng mga suspek sa sandaling ma-extradite ang mga ito tungkol sa posibleng kaugnayan ng mga ito sa mga pagnanakaw.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation