Share
Isang pagdiriwang sa taglamig na nagtatampok ng mga kubo na gawa sa niyebe ang tumanggap sa mga turista sa unang pagkakataon sa loob ng tatlong taon sa Akita Prefecture, hilagang Japan.
Ang kaganapan ay gaganapin bawat taon sa lungsod ng Yokote sa Pebrero 15 at 16.
Humigit-kumulang 40 sa mga kubo ng “kamakura” ang itinayo para sa pagdiriwang.
Noong Miyerkules, nanalangin ang mga tao sa diyos ng tubig para sa magandang ani sa isang altar sa loob ng isa sa pinakamalaking bahay ng niyebe.
Isang first timer na bisita ang namangha sa laki ng mga kubo, habang ang isa naman ay humanga sa purong puti ng niyebe.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation