Inaresto ng Tokyo police ang dalawang Hapon sa salang suspisyon o hinalang panloloko, habang pabalik sa Japan mula sa Pilipinas nitong Huwebes. Ang dalawa ay kasama sa apat na Hapones na pinaghihinalaang mastermind sa mga kaso ng nakawan sa buong Japan.
Sina Watanabe Yuki at Kojima Tomonobu ay naunang naka-detina sa isang Immigration Facility sa Pilipinas.
Ayon sa mga awtoridad, ang dalawa ay suspek sa pag-nanakaw ng cash cards ng isang lalaki na taga-Tokyo nuong November 2019. Sila ay nagpanggap na taga-Financial Services Agency. Sinabi umano nila sa matandang biktima na mayroong iligal na nag-balance inquiry sa kanyang mga bank accounts.
Ang dalawa pang suspek ay sina Fujita Toshiya at Imamura Kiyoto ay na-extradite mula sa Pilipinas nitong Martes.
Suspetsa ng mga pulis na ang apat ay senior members ng grupo na siyang may kaugnayan sa mga phone scam na naka-kuha ng mahigit na 6 billion yen o aabot ng 45.7 million dollars.
Layunin ng mga awtoridad na mas alamin ang klase ng organisasyong kinabibilangan ng apat at kung sila ba ay may kinalaman sa mga nakawan sa Japan na kumitil ng buhay ng isang tao.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation