Police: mga kriminal gumagamit ng social media upang makapag-recruit ng mga magnanakaw

Naniniwala ang pulisya sa Japan na ang isang kriminal na grupo na nagsasagawa ng serye ng marahas na pagnanakaw sa lugar ng Tokyo ay maaaring maiugnay sa mga krimen sa ibang bahagi ng bansa. Hinala nila, ginagamit ng mga kriminal ang social media para mag-recruit ng mga miyembro. #PortalJapan see more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspPolice: mga kriminal gumagamit ng social media upang makapag-recruit ng mga magnanakaw

Naniniwala ang pulisya sa Japan na ang isang kriminal na grupo na nagsasagawa ng serye ng marahas na pagnanakaw sa lugar ng Tokyo ay maaaring maiugnay sa mga krimen sa ibang bahagi ng bansa. Hinala nila, ginagamit ng mga kriminal ang social media para mag-recruit ng mga miyembro.

Nag-iimbestiga ang mga awtoridad matapos ang isang 90-anyos na babae ay pinatay sa isang pagnanakaw sa kanyang tahanan sa Tokyo.
Isa sa mga sasakyang hinihinalang sangkot ay nakunan ng security camera mga 200 metro silangan ng pinangyarihan ng krimen.

Sa isang hiwalay na insidente, isang lalaki ang inaresto dahil sa hinalang sumali sa isang 30-milyong-yen robbery sa Nakano Ward ng Tokyo noong nakaraang buwan na ikinasugat ng biktima.

Makikita sa mga mensahe sa mobile phone ng suspek na nakikipag-usap siya tungkol sa unang insidente na kinasangkutan ng 90-anyos na babae.
Samantala, ang data ng cell phone ng isang miyembro ng Self-Defense Force na naaresto para sa isa pang pagnanakaw sa Chiba Prefecture ay nagpapahiwatig na siya ay nakaugnay din sa pagpatay.

Ang mga katulad na pagnanakaw ay naganap sa buong bansa. Ang ilang miyembro ng grupo ay pinaniniwalaang sangkot sa isang tangkang pagnanakaw at pagpatay sa Hiroshima noong nakaraang buwan.
Ang grupo ay pinaniniwalaang sangkot din sa mga nakawan noong nakaraang taon sa mga tirahan sa Yamaguchi Prefecture at sa Tokyo.

Sinabi ng pulisya na hindi bababa sa 13 insidente ang naganap sa walong prefecture. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund