Sinabi ng mga investigative official sa Pilipinas na ang isang Japanese na nakakulong sa bansa ay pinaniniwalaang “Big Boss” ng isang international fraud syndicate. Si Watanabe Yuki ay pinaghihinalaang isang mastermind sa isang kamakailang serye ng mga pagnanakaw sa Japan.
Sinabi ng mga awtoridad na nakakulong si Watanabe sa isang hotel sa Maynila noong Mayo 2021 dahil sa hinalang ilegal na pagpasok sa Pilipinas.
Siya ay nakakulong sa isang immigration facility sa kalakhang Maynila.
Sinabi ng National Bureau of Investigation of the Philippines pagkaraan lamang ng kanyang pagkakakulong na si Watanabe ay nasa isang Interpol wanted list at kilala rin siya bilang “Kenji Shimada.”
Sinabi ng bureau na si Watanabe ang pinaniniwalaang “Big Boss” ng sindikato ng pandaraya na ang operasyon ay sumasaklaw sa ilang bansa, kabilang ang Japan at Pilipinas.
Sinabi nito na sangkot siya sa online fraud, extortion at iba pang krimen sa Pilipinas.
Hiniling ng Japanese police sa mga awtoridad ng Pilipinas na ibigay si Watanabe at ilan pang Japanese national na hawak sa pasilidad.
Join the Conversation