Opisyal ng Pilipinas: Nakakulong sa selda ang mga suspek sa pagnanakaw

Hiniling ng mga opisyal sa mga awtoridad ng Pilipinas na ibigay ang mga suspek.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspOpisyal ng Pilipinas: Nakakulong sa selda ang mga suspek sa pagnanakaw

Isang opisyal ng imigrasyon ng Pilipinas ang nagsabi sa NHK na dalawang Japanese national na naka-detain sa isang immigration facility sa bansa ang nag-confine sa kanilang sarili sa selda. Ang mga bilanggo ay tila nayanig sa mga balita tungkol sa kamakailang serye ng mga nakawan sa Japan.

Hinala ng mga opisyal ng Japanese police na ginamit nina Watanabe Yuki at Imamura Kiyoto ang alyas na “Luffy” para magbigay ng tagubilin sa grupong nagsasagawa ng mga nakawan. Hiniling ng mga opisyal sa mga awtoridad ng Pilipinas na ibigay ang mga suspek.

Nakapanayam ng NHK ang opisyal ng Pilipinas noong Sabado. Aniya, nakatira ngayon ang mga suspek sa sampung tao na selda kasama ang iba pang Japanese national. Idinagdag niya na ang mga lalaki ay madalas na nakikitang nagsasalita sa mga cell phone, habang sila ay nag-eehersisyo sa looban ng pasilidad.

Sinabi ng opisyal na ang isang kasamahan sa pasilidad ay nag-ulat na ang mga bilanggo ay mukhang nabalisa nang lumabas ang mga balita tungkol sa mga nakawan. Iniulat din ng kasamahan na ang mga lalaki ay tumigil kamakailan sa paglabas upang makisali sa pang-araw-araw na ehersisyo.

Sinabi ng gobyerno ng Pilipinas na inatasan nito ang sentro na kumpiskahin ang mga cell phone at iba pang paraan ng komunikasyon mula sa mga suspek, matapos lumabas ang mga ulat. Sinasabi nito na plano nitong gumawa ng desisyon kung ibibigay ang mga indibidwal, pagkatapos nitong maingat na i-assess ang mga kasong kriminal na kinakaharap ng mga lalaki sa Pilipinas.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund