Lalaking arestado, matapos dakmain ang likurang bahagi ng katawan ng babaeng manggagawa sa construction site

Ayon sa mga panayam ng pulisya sa mga taong sangkot, ang suspek na si Ichimaru ay paulit-ulit na naging bastos sa mga babae sa loob ng ilang panahon.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspLalaking arestado, matapos dakmain ang likurang bahagi ng katawan ng babaeng manggagawa sa construction site

Isang trabahante ang inaresto dahil sa paghawak sa puwitan ng isang 20-anyos na babae na nagtatrabaho sa parehong construction site.

Inaresto ng Aichi Prefectural Police si Tetsuhiro Ichimaru, isang 41 taong gulang na blacksmith mula sa Kasamatsu, Gifu Prefecture.

Ayon sa pulisya, si Ichimaru ay pinaghihinalaan sa kasong indecent behavior dahil sa, pag-hihimas ng puwitan ng isang babae (20) mula sa likod gamit ang dalawang kamay sa isang construction site sa Toki City, Gifu Prefecture noong ika-2 ng Disyembre.

Si Ichimaru ang tagapamahala ng site at ang babae ay isang manggagawa sa ibang contractor.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, itinanggi ng suspek ang mga paratang.

Ayon sa mga panayam ng pulisya sa mga taong sangkot, ang suspek na si Ichimaru ay paulit-ulit na naging bastos sa mga babae sa loob ng ilang panahon, ang pulisya ay patuloy na nag-iimbestiga kung may karagdagang pang mga kaso.

Source and Image: CBC Web

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund