Isang life-size na figure ng isang robot mula sa sikat na Japanese animated series na “Mobile Suit Gundam” ang inilawan para sa winter season.
Isang mall sa timog-kanlurang lungsod ng Fukuoka sa Japan ang nagtayo ng 25 metrong taas na robot na tinatawag na Nu Gundam bilang bahagi ng mga atraksyon nito sa taglamig.
Pula, puti at asul na mga sinag ng liwanag ang nagbibigay liwanag dito, na nagmumula sa mga LED sa isang puno sa harap ng rebulto.
Ang mga tagahanga ng Gundam at mga bisita ay nagtipon sa seremonya ng pag-iilaw.
Sinabi ng isang lokal na estudyante sa high school na natutuwa siyang makita ang iluminadong pigura, dahil fan siya ng animated na serye.
Isang Gundam fan mula sa Gifu Prefecture ng central Japan ang nagsabing nasasabik siyang makita ang life-size na figure na ginamit bilang dekorasyon ng Pasko.
Ang rebulto ay sisindihan araw-araw mula 5 p.m. hanggang 9:30 p.m. hanggang Pebrero 19.
Join the Conversation