Share
Sa men’s soccer World Cup, tinalo ng Japan ang dating kampeon na Spain ng 2-1 sa isang laban sa Group E, at umabante sa knockout stage.
Kinuha ng Spain ang kontrol sa laro sa simula, kung saan nakapuntos si Alvaro Morata sa ika-11 minuto.
Bumaba ang tubig nang magpadala ang Japan ng dalawang attackers sa simula ng second half.
Kinuha ng Japan ang bola nang may agresibong depensa, at umiskor si Doan Ritsu ng game-tying goal sa ika-48 minuto.
Makalipas lamang ang tatlong minuto, naka-cross ball si Mitoma Kaoru, at itinulak ito ni Tanaka Ao.
Tiniis ng Japan ang matinding pag-atake ng Spain at nagpursige.
Ang Samurai Blue ay umabante sa knockout stage para sa ikalawang sunod na torneo.
Join the Conversation