Isang railway operator sa hilagang Japan ang nagsimulang magpatakbo ng serbisyo ng tren sa kahabaan ng magandang baybayin na nilagyan ng hugis mesa na pampainit na tinatawag na kotatsu.
Sinimulan ng Sanriku Railway sa Iwate Prefecture ang kanilang seasonal na serbisyo nitong linggo.
Humigit-kumulang 20 pasahero ang nakaupo sa 12 na magkaka-tulad na heater table habang ang kotatsu train ay umalis mula sa Kuji station noong Sabado.
Available ang isang boxed lunch na nagtatampok ng sea urchin, abalone at iba pang mga lokal na delicacy habang tinatangkilik ng mga customer ang mga tanawin ng taglamig sa tabi ng baybayin.
Huminto sandali ang tren sa isang magandang tulay para sa pagkakataong maka-kuha ng litrato.
Lumitaw sa tren ang mga entertainer na nakasuot ng lokal na mythological demon na ikinatuwa ng mga pasahero.
Isang pasahero sa edad na 30 mula sa Hokkaido ang nagsabi na sumakay siya ng iba’t ibang mga tren sa buong Japan ngunit ang serbisyo ng kotatsu ng Sanriku Railway ay walang katulad.
Ang stationmaster sa Kuji ay nagsabi na siya ay magiging masaya kung ang kotatsu-train service ay makakatulong sa mga tao na maranasan ang kagandahan ng baybayin.
Ang operator ay magpapatakbo ng tren sa katapusan ng linggo at pista opisyal hanggang Marso 26 at sa unang tatlong araw ng Bagong Taon.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation