Ang mga kondisyon ng blizzard ay patuloy na tumitindi sa hilagang Japan

Ang mga hilagang lugar ng Japan ay nakararanas ng matinding snow.  Hinihimok ng mga weather officials ang mga tao na manatiling alerto para sa mga avalanches at pagkagambala sa trapiko.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ang mga hilagang lugar ng Japan ay nakararanas ng matinding snow.  Hinihimok ng mga weather officials ang mga tao na manatiling alerto para sa mga avalanches at pagkagambala sa trapiko.

Sinabi ng Meteorological Agency ng Japan na ang malamig na hangin ay dumadaloy sa Japan, na nagdadala ng mabigat na snow pangunahin sa hilagang-silangan ng Japan at sa mga lugar na nakaharap sa Dagat ng Japan.
Sa Fukushima Prefecture, mahigit 50 sentimetro ng niyebe ang bumagsak sa loob lamang ng 12 oras.  Pinapayuhan ng mga opisyal ng meteorolohiko ang mga tao na maging alerto.
Sinasabi ng mga forecasters na posible ang pag-ulan ng niyebe mula 55 hanggang 80 sentimetro sa hilagang rehiyon sa loob ng 24 na oras hanggang Martes ng umaga.
Nagbabala ang mga opisyal na maaaring mangyari ang isang nakakabulag na snowstorm sa hilagang mga lugar.
Nagbabala sila na ang pag-ulan ng niyebe ay maaaring makagambala sa pampublikong sasakyan at magdulot ng blackout.  Pinapayuhan ang mga driver na maging maingat sa madulas na kalsada.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund