Isang napaka-gandang, iluminado na “blue pond” sa pinakahilagang prefecture ng Hokkaido ng Japan ang umaakit ng maraming turista.
Ang lawa sa bayan ng Biei, na nasa paanan ng Mount Tokachi, ay kilala sa maliwanag na bahagyang asul na kulay dahil sa aluminyo sa tubig.
Sinimulan ng bayan ang pag-iilaw noong 2014 bilang bago nitong atraksyon sa tag-lamig. Ang lawa ay iniilawan ng mga LED sa gabi mula Nobyembre hanggang Abril.
Ang ibabaw ng pond ay nagyelo mula noong simula ng buwang ito, at ngayon ay natatakpan ng niyebe.
Sa paglubog ng araw, 15 na ilaw ang nagbibigay liwanag sa ibabaw ng niyebe at naglalagay ng iba’t ibang pattern tulad ng mga tuldok.
Tinatangkilik ng mga bisita ang kamangha-manghang tanawin at kumukuha ng mga larawan.
Isang bisita mula sa Tokyo ang nagsabi na ang kalmado, kulay at lahat ng iba pa ay lubhang nakakaganyak. Sinabi niya na hindi niya naramdaman ang lamig dahil napakaganda ng lawa.
Ang illumination ay makikita hanggang Abril 30.
Source: NHK World Japan
Image: Google
Join the Conversation