Ang New Zealand ay nagpapatuloy sa paglaban upang maging isang “smokefree” na bansa sa isang pang hakbang. Isang hanay ng mga bagong batas ang nagpapataw ng panghabambuhay na pagbabawal sa pagbebenta o pagbibigay ng tabako sa sinumang iipinanganak mula noong 2009.
Ang batas ay nanalo ng parliamentary approval noong Martes. Nangangahulugan ito na ang mga bata na ngayon ay may edad na 13 o mas bata ay mabisang pagbabawalan sa paninigarilyo habang buhay, bagama’t makakabili pa rin sila ng mga produktong pinainit na tabako at mga elektronikong sigarilyo.
Sinabi ng Associate Health Minister na si Ayesha Verrall, “Ang batas na ito ay nagpapabilis sa pag-unlad tungo sa smokefree future.”
Ang mga taga-New Zealand na may edad 18 o mas matanda ay maaari na ngayong bumili at manigarilyo ng sigarilyo.
Sinabi ng gobyerno na ang paninigarilyo ng nasa hustong gulang ay bumaba ng kalahati sa nakalipas na 10 taon hanggang 8 porsiyento, ngunit ang rate ay nananatiling mataas sa mga mamamayang Maori.
Inilarawan ng lokal na media ang bagong batas na malamang pinaka-unang pambansang batas sa mundo na nagbabawal sa tabako habang buhay.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation