Vietnamese pinarangalan ng Shiga Police dahil sa pagsagip sa matandang nahulog sa canal

Pinasalamatan ng kapulisan ng Shiga ken ang isang Vietnamese at binigyan ng letter of gratitude na nakasulat sa Vietnamese para sa pagligtas sa isang matandang lalaki na nahulog at na-stuck sa isang canal. #PortalJapan see more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspVietnamese pinarangalan ng Shiga Police dahil sa pagsagip sa matandang nahulog sa canal

KOKA, Shiga — Pinasalamatan ng kapulisan ng Shiga ken ang isang Vietnamese at binigyan ng letter of gratitude na nakasulat sa Vietnamese para sa pagligtas sa isang matandang lalaki na nahulog at na-stuck sa isang canal.

Pinuri ng Koka Police Station ng Shiga Prefectural Police ang ginawa ni Can Do Trien, 35, isang empleyado ng kumpanya at residente ng Koka.  Ito ang unang pagkakataon na nagpadala ang puwersa ng liham ng pasasalamat sa isang Vietnamese citizen.

Ayon sa himpilan ng pulisya at iba pang source, dakong alas-3:30 ng hapon.  noong Oktubre 22, habang naglalakad sa bakuran ng isang lokal na temple, natagpuan ni Can ang isang 80 taong gulang na lalaki nahulog sa kanyang bisikleta at na stuck sa malalim na maputik na kanal.

Dahil mahirap para kay Can na humingi ng tulong sa wikang Japanese, kinunan niya ng larawan ang eksena at naghanap ng ibang tao sa lugar at dun niya nakita ang isang junior high school student at pinakita niya ang picture at sumenyas na tumawag sa police.

Bumalik si Can at hinawakan niya ang kamay ng matanda at patuloy na nakipag-usap sa kanya sa putikan hanggang sa dumating ang emergency crew.  Sa kabutihang palad, hindi nanganganib ang buhay ng senior citizen.  Balak din ng pulisya na magpadala ng liham ng pasasalamat sa 15-anyos na estudyante na tumawag sa emergency.

Si Hidenori Takioka, hepe ng istasyon ng pulisya, ay nagkomento, “Kami ay nagpapasalamat sa kanyang mabilis na pagkilos upang tulungan ang lalaki sa kabila ng hadlang sa wika,” habang iniabot niya kay Can ang liham ng pasasalamat noong Nob. 16. Sinabi ni Can, ”  Nakahinga ako ng maluwag na matulungan siya dahil narinig ko ang boses niya na humihingi ng tulong na tilang naghihingalo na siya.”

&nbspVietnamese pinarangalan ng Shiga Police dahil sa pagsagip sa matandang nahulog sa canal

Dumating si Can sa Japan noong 2018 at gumagawa ng disenyo at iba pang trabaho sa lokal na kumpanya sa pagpoproseso ng metal na Yashiro Seisakusho.  Sinabi ng Pangulo ng kumpanya na si Yoshitaka Rikawa, 49, tungkol kay Can, “Siya ay masigasig at masipag. Nababagay din siya sa lokal na komunidad, tulad ng pakikilahok sa mga clean-up drive ng resident association.”  Idinagdag niya, “Ang pagkuha ng papuri na iyon ay napakahusay.”
Sa kahilingan ng istasyon ng pulisya, isang Vietnamese language interpreter sa organized crime control division ng prefectural police ang gumawa ng liham ng pasasalamat.  Sabi ng isang opisyal, “Umaasa kami na iuuwi niya ito para ipakita at ipakita sa kanyang pamilya.”
Sinabi ni Can, “I was happy to cooperate with police and the fire department in this way while working in Japan. I will visit home at the year-end, so I’d like to tell my family about it.”
(Orihinal na Japanese ni Ririn Iitsuka, Otsu Bureau)

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund