Ang Matsusaka Castle ay itinayo noong 1588 ni Gamo Ujisato.
Si Ujisato ay isang feudal lord na nagsilbi sa mga warlord na sina Oda Nobunaga at Toyotomi Hideyoshi sa kanilang pananakop upang pag-isahin ang buong Japan. Sa panahong iyon, ang Japan ay nahahati sa maraming maliliit na teritoryo.
Si Ujisato din ang nagtatag ng lungsod na ito.
Taun-taon tuwing ika-3 ng Nobyembre, ang Lungsod ng Matsusaka ay nagdaraos ng isang pagdiriwang bilang parangal sa kanya na tinatawag na Ujisato Matsuri.
Nagtatampok ito ng isang taong nakadamit bilang Ujisato sa isang malaking parada ng mga tao na nakasuot ng makasaysayang kasuotan.
Nuong taong 1556, si Ujisato ay ipinanganak sa Shiga Prefecture. Ang kanyang ama ay ang lord ng Nakano Castle.
Noong 1568, naka-alyado ng kanyang ama si Oda Nobunaga, at si Ujisato ay ipinadala upang maglingkod sa kastilyo ni Nobunaga. Siya ay 13 anyos lamang.
Nonng 1569, napatunayan ni Ujisato ang kanyang katapangan sa kanyang unang labanan sa edad na 14. Ibinigay sa kanya ni Nobunaga ang kanyang anak na babae bilang kabiyak/asawa.
Noong 1582, si Nobunaga ay ipinagkanulo at pinatay, kaya’t si Ujisato ay nagtago sa pamilya ni Nobunaga sa Nakano Castle.
Naglilingkod na siya ngayon sa kahalili ni Nobunaga, na si Toyotomi Hideyoshi.
Noong 1584, ginagantimpalaan ni Hideyoshi si Ujisato ng bago, at mas malaking teritoryo sa Mie Prefecture. Lumipat siya sa Matsugashima Castle.
At noong 1585, si Ujisato ay nagsimul itayo ang Matsusaka Castle, 4 km sa timog.
Noong 1588, ang Matsusaka Castle ay nagsimulang gamitin sa loob lamang ng tatlong taon. Inilipat ni Ujisato ang mga mamamayan mula sa Matsugashima upang lumikha ng bagong bayan.
Taong 1590, ay inilipat ni Hideyoshi si Ujisato sa isang bago, at mas malaking teritoryo sa Fukushima Prefecture.
Taong 1595 namatay si Ujisato sa edad na 40 dahil sa sakit.
Ang function at hitsura ng Matsusaka Castle ay nagbago sa paglipas ng panahon.
Pagkatapos ni Ujisato, dalawang panginoon ng kastilyo ang sumakop sa kastilyo.
Noong 1619 ang Matsusaka ay naging bahagi ng isang mas malaking teritoryo at walang bagong mga panginoon ang lumipat. Sa halip, isang mas mababang antas na opisyal ang inilagay sa pamamahala at ang kastilyo ay ginamit bilang isang lokal na sentro ng administratibo.
Noong 1644 nasira ang Matsusaka Castle dahil sa isang bagyo.
Noong 1881 ang mga guho ng kastilyo ay naging Matsusaka Park. Ang mga larawang ito na kinunan noong 1872 ay nagpapakita ng maraming istruktura na nakatayo pa rin hanggang sa hinaharap.
Source ang Image: Matsusaka Kanko
Join the Conversation