Hinuli ang isang Pinay noong Nobyembre 2 ng Fukui Prefectural Police Sabae Police sa pagbebenta ng mga pekeng produkto tulad ng luxury brand na Dior sa pamamagitan ng live selling sa social media.
Isang 30-taong gulang na Filipina, haken shain, mula sa Echizen City ang kinasuhan ng paglabag sa trademark law.
Noong Mayo, nakabenta siya ng kabuuang anim na pekeng Louis Vuitton at Burberry, kabilang ang isang sumbrero na may trademark na “Dior”, sa live selling sa SNS.
Pinaghihinalaang ipinagbili niya ito sa dalawang lalaki sa Fukui at Shiga prefecture na nanood nito sa kabuuang humigit-kumulang 17,000.
Ayon sa istasyon ng pulisya ng Sabae, may isang taong nakakita sa live selling broadcast ng babae at isinumbong niya ito sa pulis at nagbigay ng impormasyon na “maaaring peke ang mga binibenta nito” at doon na nagsimulang mag-imbestiga ang mga pulis.
Join the Conversation