OSAKA — Isang guro sa isang paaralan ng espesyal na edukasyon sa Osaka Prefecture ang nagbitiw matapos pormal na pagsabihan sa paraan ng pagpaparusa niya sa isang estudyante sa unang baitang na kumain ng tanghalian ng guro.
Ayon sa Osaka Prefectural Board of Education, ang guro sa kanyang 20s ay naglagay ng sulat-kamay na tala sa likod ng unang baitang na nagsasabing, “Kumuha ako at kumain ng tanghalian ng aking guro. Pasensya na.” Pagkatapos ay inilakad ng guro ang bata sa buong paaralan nang mga 20 minuto.
Nabunyag ang insidente nang makita ng guardian ng isa pang estudyante, na nasa paaralan noon, ang note sa likod ng bata.
Inamin ng guro na inilagay niya ang note sa likod ng bata, at sinabing, “Akala ko ito ay isang paraan para hikayatin ang ibang mga guro na makipag-usap sa estudyante,” idinagdag na nag-kulang siya sa pag-uunawa sa bata.
Naganap ang insidente noong Okt. 28, 2020. Ang guro ay nag-extend ng leave of absence para sa mga medikal na dahilan noong Disyembre ng taong iyon, na siyang pansamantalang nagpahinto sa usapin.
Ang guro ay binigyan ng reprimand ng Board of Education noong Setyembre 2 ngayong taon, at nagbitiw noong Setyembre 12.
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation