Nitong ika-26 ng Nobyembre, ginanap ang NGY Hip-Hop Festival sa Sakae, Nagoya. Nag-sama sama ang ilang local Hip-Hop artist mula sa iba’t-ibang panig ng Japan upang mag-perform, suportahan ang kapwa artists at mag-bigay saya na rin sa mga manunuod.
Kahanga-hanga ang mga talentong ipina-kita ng mga artist na ito. Hindi maikakaila na kahit saang larangan, ang mga Pilipino talaga ay kayang makipag-sabayan. Ipinapakita ng mga artist na ito ang kanilang pag-mamahal sa wika ng sinilangan bansa. Halos lahat ng mensahe o nilalaman ng kanilang mga awit ay base sa buhay, trabaho, pamilya at mga pangyayari sa paligid. Magkaka-iba man ng istilo sa pag-susulat ng kani-kanilang kanta, iisa ang layunin ng mga ito, ang mataguyod ang larangan ng hip-hop at Pinoy community sa Japan.
Sa pamamagitan ng event na ito ay napag-sama sama ng NGY Entertainment na pinamumunuan ni Yung King, ang iba’t-ibang rap local artist sa iisang gabi. May mga nang galing pa sa Tokyo, Shiga, Shizuoka at marami pang iba.
Mula umpisa hanggang sa huling performance ay wala tigil sa pag-palakpakan ang mga humahangang manunuod.
Hindi lamang Pilipino ang mga nag-perform sa gabing ito, mayroong din Japanese at Vietnamese, ito ay upang mabigyan sila ng pagkaka-taon na makilala sa karerang ito.
Nagkaroon rin tayo nang oras na makapanayam ang ilang mga artist at iisa ang kanilang mensahe, kung ikaw ay may interest sa ganitong larangan ng musika, ipag-patuloy lamang ang pag-susulat at huwag mawalan ng pag-asa, ikaw ang gagawa ng iyong kapalaran. Ika nga, “Nothing will happen unless you start working on it.”
Kaya mga ka-Portal, suportahan natin ang mga local artist na ito dahil sila ay isa sa karangalan ng atin bansa.
Here are the list of the artist na nag-perform nuong sabado.
Yung King, Egi Miko, Jay Raw, AMK, Bone Bueno, Shoji, Yabai, AUD, Kel Zano, Stray Doggs, YG Slowburn, Wise Wun, Bloodshot, Shin, J-Jhay, YK Peso Sign, Renzy, Rikimah, Nagoya Homies, Yung E¥ Key, Zeek, Burn, BLCKSMT, Yuri, Osider, Eikam, Ermitaño, Michael Joe, Kazu Goodboi, J Stone, Don Miguel, Kuya Ryu.
Maraming salamat sa inyong pag-imbita sa amin at maaasahan ninyo ang aming suporta. Ipag-patuloy niyo lamang ang inyong ginagawa at sana ay maging matagumpay kayong lahat sa inyong mithiin.
Source and Image: Portal Japan (Sarah Bartolome
Join the Conversation