Nagbabala ang eksperto sa mga driver na maaaring madetect ang alcohol sa mga consume na pagkain o inumin

Isang driver ng bus na kumain ng siopao bago magtrabaho ang nadisiplina kamakailan matapos ang isang pre-duty na inspeksyon ay nakitaan ito ng alcohol sa kanyang hininga. #PortalJapan see more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspNagbabala ang eksperto sa mga driver na maaaring madetect ang alcohol sa mga consume na pagkain o inumin

Isang driver ng bus na kumain ng siopao bago magtrabaho ang nadisiplina kamakailan matapos ang isang pre-duty na inspeksyon ay nakitaan ito ng alcohol sa kanyang hininga.

Sinabi ng mga business operator at eksperto na mayroon ding mga kaso ng alak na natukoy pagkatapos kumain ang mga tao ng iba pang uri ng tinapay , “nuka miso” salted rice-bran paste, kimchi at nutritional drinks.

Ang pamantayan para sa pagmamaneho sa ilalim ng impluwensya ng alkohol na itinakda ng Road Traffic Act ay 0.15 mg, ngunit ang mga tuntunin ng lungsod ay mahigpit na nagtatakda ng limitasyon sa 0.07 mg.

Ang pangunahing tagagawa ng tinapay na si Pasco Shikishima Corp., na nakabase sa Nagoya, ay nagsabi sa Mainichi na ang alak ay nagagawa sa panahon ng proseso ng pagbuburo kung saan ang lebadura ay sumisira ng asukal, kaya ang isang maliit na halaga ng alkohol ay maaaring makita kaagad pagkatapos kumain ng tinapay.

Inererekomenda ng mga bus operator  na huwag muna kumain o umunom bago mag breath test o di kaya ay magmumog muna para sigurado ang magiging resulta ng test.

(Orihinal na Japanese ni Saori Moriguchi, Osaka City News Department)

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund