Mga imbestigador na Hapon, tutungo sa Brazil para sa kaso ng pag-patay sa Osaka

Walang extradition treaty sa pagitan ng Japan at Brazil. Maaaring hilingin ng mga opisyal ng Hapon sa Brazil na usigin ang suspek sa ilalim ng lokal na batas kung hindi siya babalik sa Japan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMga imbestigador na Hapon, tutungo sa Brazil para sa kaso ng pag-patay sa Osaka

Nalaman ng NHK na ang mga pulis sa Osaka, western Japan, ay nagpaplanong magpadala ng mga opisyal sa Brazil upang ituloy ang kanilang paghahanap sa isang lalaking Brazilian na pinaghihinalaang pumatay sa kanyang asawa at anak na babae noong sila ay nakatira sa Japan.

Sinasabi ng mga sources, ang mga opisyal ay maaaring lumipad palabas  nitong Sabado.

Si Barbosa Anderson Robson ay nasa  international wanted list, na pinaghihinalaang pumatay sa kanyang asawang si Aramaki Manami at sa kanilang 3-taong-gulang na anak na babae na si Lily sa kanilang tahanan sa Sakai City ng Osaka noong Agosto.

Sinabi ng mga imbestigador na bumalik ang suspek sa Brazil pagkatapos ng pagpatay, ngunit nananatiling hindi alam ang kanyang kinaroroonan.

Sasamahan ng mga opisyal mula sa National Police Agency ng Japan ang mga imbestigador upang ipaalam sa mga awtoridad ng Brazil ang kaso.

Walang extradition treaty sa pagitan ng Japan at Brazil. Maaaring hilingin ng mga opisyal ng Hapon sa Brazil na usigin ang suspek sa ilalim ng lokal na batas kung hindi siya babalik sa Japan.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund