Season na naman ng Beaujolais Nouveau, ngunit sa taong ito ang French wine ay maaaring mag-iwan ng mapait na lasa para sa mga mamimili ng Japan. Ang mga presyo ay tumaas dahil sa conflict sa Ukraine at ang paghina ng yen.
Ang alak na ginawa gamit ang ani ngayong taon ng mga ubas mula sa rehiyon ng Beaujolais ay tradisyonal na ibinebenta sa ikatlong Huwebes ng Nobyembre.
Isang bar sa Shibuya Ward ng Tokyo ang nagsagawa ng unang in-person countdown event sa loob ng tatlong taon upang ipagdiwang ang pagdating ng alak.
Sinabi ng kumpanya ng Suntory na ang mga presyo ay 40-to-120 porsiyentong mas mataas kaysa noong nakaraang taon.
Ang mga gastos sa shipment ay tumaas dahil ang mga sasakyang panghimpapawid ay kumukuha ng mas mahabang ruta mula sa Europa patungong Japan upang maiwasan ang airspace ng Russia.
Ang matarik na pagbaba ng halaga ng Japanese currency ay nagpamahal din sa mga pag-import.
Sinabi ni Suntory na nakatanggap ito ng mas kaunting mga order para sa vintage na ito at ang mga import nito ng Beaujolais Nouveau ay bumaba sa humigit-kumulang 40 porsiyento ng volume noong nakaraang taon.
Join the Conversation