Plano ng Punong Ministro ng Japan na si Kishida Fumio na palawakin ang mga programa sa tulong sa pagkain para sa mga batang nangangailangan bilang bahagi ng isang komprehensibong pakete ng ekonomiya na pagsasama-samahin ngayong buwan.
Nagsagawa ng pulong si Kishida sa Tokyo noong Martes kasama ang isang non-profit na organisasyon na nagbibigay ng tulong para sa mga anak ng mga pamilyang may prinansiyal na problema .
Sinabi ng mga dumalo na maraming bata ang hindi makakain ng maayos dahil sa pagtaas ng presyo ng pagkain.
Pagkatapos ng pulong, sinabi ni Kishida sa mga mamamahayag na naramdaman niya ang pangangailangang kumilos upang harapin ang sitwasyon. Aniya, plano niyang magbigay ng tulong para sa mga anak ng mga pamilya na direktang apektado ng pagtaas ng presyo.
Sinabi ni Kishida na palalawakin ng gobyerno ang mga programa upang tulungan ang ‘mga bangko ng pagkain’ na nagsusuplay ng mga pagkain sa mga cafeteria para sa mga bata, kung saan ang mga bata mula sa mahihirap na pamilya ay makakatanggap ng libre o murang pagkain na inihain ng mga boluntaryo.
Plano din niyang itaas ang limitasyon ng mga subsidyo ng estado para sa mga pagsisikap ng mga munisipyo na bawasan ang kahirapan sa mga bata, at maglunsad ng isang proyekto upang mag-set up ng mga programa upang matiyak na ang mga batang nangangailangan ay mananatiling konektado sa lipunan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation