Kambal na panda, humahakot ng atensyon ng mga tao

Ang mga pulang panda ay ipapakita sa publiko hanggang Oktubre 16.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspKambal na panda, humahakot ng atensyon ng mga tao

Ang kambal na higanteng panda cubs ay kumukuha ng mga atensyon ng mga tao sa Ueno Zoological Gardens ng Tokyo. Simula sa Martes, makikita na sila ng mga bisita nang wala ng bunutan.

Ang lalaking cub na si Xiao Xiao at ang kanyang kapatid na si Lei Lei ay isinilang noong Hunyo, 2021.

Upang maiwasan ang paglalagay ng stress sa mga batang hayop, tanging ang mga bisitang masuwerte sa isang bunutan para sa mga tiket ang pinayagang makita ang mga panda. Ngunit natukoy na ngayon ng zoo na ang parehong mga cubs ay lumalaki na ngayon nang sapat para makita sila ng sinuman anumang oras.

Isang mahabang pila ang nabuo sa panda exhibit bago ito nagbukas noong Miyerkules. 25 katao kada grupo ang pinapasok.

Ang oras ng panonood ay limitado sa isang minuto lamang. Kinunan ng mga bisita ang mga larawan ng kambal na kumakain ng mga puno ng kawayan at nakikipaglaro sa kanilang ina, si Shin Shin.

Sinabi ng zoo na magkamukha ang kambal na kahit na ang kanilang mga tagapag-alaga ay hindi masabi kung sino ang bawat isa sa kanila, ngunit mayroon silang ganap na magkasalungat na personalidad. Si Xiao Xiao ay sensitibo, at si Lei Lei ay mas matapang.

Isang babae na apat na beses hindi naka-bunot ng ticket ay nagsabing masaya siyang makita ang mga cubs sa unang pagkakataon, mukhang malusog. Gusto daw niyang panoorin silang lumaki.

Ang isa pang pares ng bagong silang na kambal na panda ang naka-display sa isang aquarium sa Yokohama City. Hindi sila higanteng mga panda, ngunit mas mababang mga panda, na kilala rin bilang mga pulang panda.

Ang mga pulang panda, lalaki at babae din, ay ipinanganak noong Hulyo ngayong taon.

Isang bisitang kasama ng kanyang pamilya ang nagsabing ito ang unang pagkakataon na nakakita siya ng mga pulang panda cubs at napaka-cute nila.

Sinabi ng animal handler na si Otsubo Hiromi na naging mahirap ang pag-aalaga sa mga pulang panda dahil sila ay artipisyal na inaalagaan at pinakakain. Sinabi niya na ito ay nakakaantig na makita ang mga bisita na sa wakas ay tinatangkilik sila.

Ang mga pulang panda ay ipapakita sa publiko hanggang Oktubre 16.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund