Isang biktima ng trahedya sa Seoul ay mula sa hilagang Japan

"Sabi ng aking anak na babae gusto niyang magtrabaho sa South Korea at nag-aral ng Korean nang mahabang panahon bago siya pumunta doon.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIsang biktima ng trahedya sa Seoul ay mula sa hilagang Japan

Sinabi ng mga opisyal sa South Korea na karamihan sa mga taong namatay o nasugatan sa Halloween crowd crush sa Seoul noong Sabado ng gabi, ay nasa kanilang mga teenager at 20s. Sinasabi nilang kabilang sa mga biktima ang mga dayuhan, kabilang ang dalawang babaeng Hapones.

Ang 26-anyos na si Tomikawa Mei ay mula sa Hokkaido sa hilagang Japan. Sinabi ng kanyang ama sa NHK na mula noong Hunyo ay nag-aaral na siya ng Korean language sa Seoul.

Sinabi ni Tomikawa Ayumu na ilang beses niyang sinubukang tawagan ang mobile phone ng kanyang anak pagkatapos niyang malaman ang tungkol sa aksidente. Gayunpaman, sinabi niyang hindi sumagot si Mei at pagkatapos ng ilang pagtatangka ay isang opisyal ng pulisya ng South Korea ang tumugon sa halip.

Isang opisyal ng Japanese Foreign Ministry ang nagsabi sa kanya noong Linggo na si Mei ay namatay.

Sinabi ni Tomikawa, “Sabi ng aking anak na babae gusto niyang magtrabaho sa South Korea at nag-aral ng Korean nang mahabang panahon bago siya pumunta doon. Sa palagay ko ay labis siyang nadismaya.”

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund