Nakatakdang ilunsad ng Japan ang mga bakuna para sa coronavirus para sa mga batang may edad na anim na buwan hanggang apat na taon.
Ang ministeryo sa kalusugan ay magsisimulang ipamahagi ang mga bakuna sa mga munisipalidad sa Lunes. Sinabi ng Minato Ward ng Tokyo na mag-aalok ito ng mga inoculation simula sa susunod na araw.
Inaprubahan ng ministeryo ang bakunang Pfizer para sa pangkat ng edad na ito ngayong buwan. Nag-apply ang US drug firm para sa awtorisasyon noong Hulyo.
Sinabi ng mga opisyal ng ministeryo na ang mga maliliit na bata ay mangangailangan ng tatlong shot, bawat isa ay naglalaman ng one tenth na dose na ibinibigay sa mga matatanda. Sinasabi rin nila na ang unang dalawang ppagbakuna ay ibibigay sa pagitan ng tatlong linggo, at ang ikatlong jab ay makalipas ang hindi bababa sa walong linggo pagkatapos ng pangalawang dosis.
Sinabi ng Pfizer na ang mga klinikal na pagsusuri ay isinagawa noong ang variant ng Omicron ay nangingibabaw, at kinumpirma nito na ang bakuna ay 73.2 porsiyentong epektibo sa pagpigil sa pagsisimula ng impeksyon, pitong araw pagkatapos ng ikatlong dosis.
Sinabi rin ng drug firm na ang mga side effect ay kasama ang mga lagnat na 38 degrees Celsius o mas mataas at nabawasan ang gana, ngunit karamihan sa mga ito ay banayad o katamtaman lamang.
Pinalawak ng ministeryo ang programa ng pagbabakuna upang ma-isama ang mga batang nag-eedad ng 5 hanggang 11 noong Pebrero.
Sinasabi ng mga opisyal na ang mga pagbabakuna ay hindi sapilitan, at ang desisyon ay dapat gawin ng bawat tao o ng kanilang mga magulang.
Ang mga opisyal ay nananawagan sa mga munisipalidad upang tiyakin na ang mga tao ay sapat na nakakaalam ukol rito.
source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation