Bibili ang Pilipinas ng mga military helicopter mula sa US sa halip na Russia

Noong Marso, sinuportahan ng Pilipinas ang isang resolusyon ng UN General Assembly na humihiling na itigil ng Russia ang pag-atake nito sa Ukraine at bawiin ang mga tropa nito.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspBibili ang Pilipinas ng mga military helicopter mula sa US sa halip na Russia

Sinabi ng Pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos Junior na pinaninindigan niya ang desisyon ng kanyang hinalinhan na ibasura ang kasunduan sa Russia para bumili ng mga military helicopter. Sinabi niya nuong Huwebes na ang gobyerno ay kukuha ng sasakyang panghimpapawid mula sa Estados Unidos.

Sinabi ni Pangulong Marcos, “Ang kasunduan sa Russia ay para sa ilang heavy-lift helicopter at ngayon ay nakakuha na kami ng alternatibong supply mula sa Estados Unidos sa pamamagitan ng manufacturer sa Poland.”

Ang gobyerno ng Pilipinas ay sumang-ayon noong nakaraang taon na bumili ng 16 Russian-made Mi-17 helicopter sa halagang higit sa 200 milyong dolyar. Ngunit ang pangulo noong panahong iyon, na si Rodrigo Duterte, ay nagpasya na kanselahin ang kontrata pagkatapos na salakayin ng Russia ang Ukraine, dahil sa pag-aalala sa posibleng western sanctions.

Ito ang unang pagkakataon na si Marcos Junior ay nagkomento sa publiko tungkol sa isyu mula nang maupo noong Hunyo. Aniya, makikipag-usap ang gobyerno para sa pagbabalik ng paunang bayad sa taga-gawa ng sasakyang panghimpapawid ng Russia.

Sinabi ng ambassador ng Russia sa Manila na si Marat Pavlov na hindi pa naabisuhan ang Moscow tungkol sa pagwawakas ng kasunduan.

Noong Marso, sinuportahan ng Pilipinas ang isang resolusyon ng UN General Assembly na humihiling na itigil ng Russia ang pag-atake nito sa Ukraine at bawiin ang mga tropa nito.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund