Ang mga pulis sa Shizuoka Prefecture, central Japan, ay hinalughog ang nursery school na may kaugnayan sa pagka-matay ng isang mag-aaral duon nuong Lunes. Ang batang babae ay inanunsiyong wala ng buhay matapos maiwan sa loob ng school bus nang mahigit limang oras.
Nag-simulang halughugin ang buong paaralan sa Makinohara City nitong Martes ng umaga.
Ang tatlong taong gulang na bata ay natagpuan naka-handusay sa loob ng bus bandang alas-2:00 ng hapon nuong Lunes. Agad na isinugod sa ospital ang bata ngunit idineklarang patay na.
Ayon sa mga pulis, ang bata ay mukhang naiwan sa loob ng bus matapos itong sunduin nuong umaga.
Ang 73 anyos na headmaster ng paaralan ang nag-mamaneho ng bus nang biglang lumiban sa trabaho ang regular na drayber. Kabilang ang drayber, mayroon pang 6 na bata kabilang ang biktima at isang hindi regular na staff ang naka-sakay sa bus.
Ayon sa school staff, ang kanilang drayber ay sisiguraduhing naka-baba na ang lahat ng bata at walang naiwan sa loob matapos dumating sa paaralan.
Ayon sa pahayag ng pulis, sila ay magsasa-gawa ng isang imbestigasyon sa kasong professional negligence resulting in death.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation