Namatay na si Queen Elizabeth, ang pinakamatagal na reigning monarch ng Britain na naupo sa trono sa loob ng 70 taon, siya ay 96 taong gulang.
Ilang buwan nang nahihirapan ang Reyna sa mga work tours niya.
Ngunit nitong mga nakalipas na araw, lalong nag-aalala ang kanyang mga doktor tungkol sa kanyang kalusugan. Nag-udyok iyon sa mga miyembro ng royal family na magmadaling pumunta sa kanya sa kanyang estate sa Scotland.
Si Prince Charles, ang kanyang asawang si Camilla, at si Prince William ay kabilang sa mga nagtungo sa Balmoral Castle.
Nakipagpulong si Queen Elizabeth sa bagong punong ministro na si Liz Truss para sa paglipat ng kapangyarihan, isang seremonya ng pagpasa na ginawa ng Reyna sa loob ng mga dekada.
Napilitan siyang kanselahin ang isang online na pulong noong Miyerkules kasama ang mga miyembro ng Privy Council, ang katawan na nagpapayo sa kanya.
Dahil sa kalusugan ng Reyna, napilitan siyang kanselahin ang maraming pampublikong meetings.
Kadalasan ay nanatili siya sa Windsor Castle, ang kanyang tirahan sa labas ng London.
Ngunit itinuloy niya ang kanyang summer routine na bumalik sa Balmoral sa Scotland, isa sa kanyang mga paboritong lugar.
Namatay doon si Queen Elizabeth noong Huwebes ng hapon.
Ang kanyang anak na si Prince Charles ay naging Hari na ngayon.
Sinabi ni King Charles the Third na ito ang sandali ng “pinakamalaking kalungkutan” para sa mga miyembro ng kanyang pamilya.
Join the Conversation