Pinay huli sa pagtapon ng sinilang niyang sanggol sa toilet

Inaresto ng Utsunomiya Higashi Precinct ang isang 31-anyos na babaeng walang trabaho mula sa Utsunomiya City, Philippines, sa hinalang pagtapon sa katawan ng bagong silang na sanggol sa toilet ng kanyang apartment.  #PortalJapan see more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspPinay huli sa pagtapon ng sinilang niyang sanggol sa toilet

Inaresto ng Utsunomiya Higashi Precinct ang isang 31-anyos na babaeng walang trabaho mula sa Utsunomiya City, Philippines, sa hinalang pagtapon sa katawan ng bagong silang na sanggol sa toilet ng kanyang apartment.

Inamin naman ng babae na tinapon niya at iflush ang katawan ng baby matapos niya itong ipanganak.

Agad siyang inaresto sa hinalang pag-abandona ng bangkay ng isang bagong silang na lalaki sa banyo ng kanyang prefectural housing mula bandang 10:30 ng gabi hanggang 11:00 ng gabi noong ika-1.

Ayon sa isang forensic autopsy ay nagsiwalat na ang sanhi ng kamatayan ay hindi alam.  Ayon sa prefectural police, walang suot na damit ang bata at walang nakikitang sugat.

Hindi alam ng mga kamag-anak na kasama niyang nakatira sa apartment na siya ay buntis.  Noong umaga ng ika-2, nang wala ang suspect na babae, isang kamag-anak na kasama niyang nakatira sa apartment  ay nakipag-ugnayan sa administrator ng building  dahil ang banyo nila ay barado.

Isang plumbing contractor na bumisita sa silid ang nakakita ng bangkay sa toilet bowl at nag-ulat sa istasyon ng pulisya sa pamamagitan ng manager na “ang banyo ay barado dahil may fetus sa loob.”  Tinanong ng police station ang babae kung ano ang nangyari.  Ang pulisya ng prefectural ay nag-iimbestiga sa mga pangyayari at motibo.

At di pa nila ibinunyag kung sino ang ama ng sanggol.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund