Niluwagan na ng Pilipinas ang outdoor face mask rule matapos ang dalawa at kalahating taon. Ang bansa ay isa sa mga huling Southeast Asia na bansa na paluwagin ang mandate, upang maiwasan ang muling pagdami ng kaso ng coronavirus infection.
Nag-isyu ng executive order si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nuong Lunes na maging boluntaryo angvpag-suot ng face mask sa mga open spaces.
May ilang mga tao na gusto ang nasabing hakbang. Isang lalaking nag-mamaneho ng pedicap ay nag-sabi na sa mga manggagawa na tulad niya, “mas mainam na hindi palaging naka-suot ng face mask. Dahil mahirap huminga ngunit kailangan pa rin sundin ang social distancing.”
May mga ibang tao na nag-sabi na nais pa rin nilang mag-suot ng face mask upang maiwasan ang impeksyon. Isang babae ang nag-sabi na, “Ito ay para sa ating kapakanan at proteksyon, upang hindi tayo magka-sakit. Kumakalat pa rin ang Covid sa ating bansa.”
Inaasahan ng Philippine Tourism Ministry na maka-habol tayo ng paunti-unti sa mga karatig bansa natin sa “race to recovery.” Ang turismo ay bumubuo ng mahigit 13 porsyento ng ekonomiya ng bansa bago pa man magka-pandemiya, ngunit ito ay bumagsak ng 5 porsyento nuong nakaraang dalawang taon.
Ang huling hakbang ng pamahalaan ay lumalayon na mabalanse ang kalusugan ng mamamayan at ang kalusugan ng ekonomiya.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation