Pangulo ng Pilipinas Bong Bong Marcos, bumisita sa Indonesia

Nuong Lunes, nagpalitan ng defense at security cooperation agreement sina Marcos at Joko.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspPangulo ng Pilipinas Bong Bong Marcos, bumisita sa Indonesia

Ang Pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos Jr. ay nakipag-usap na sa Pinuno ng bansang Indonesia na si Joko Widodo.

Ang dalawang pinuno ay napagkasunduan na patatagin ang kanilang security ties.

Binisita ni Marcos ang Indonesia sa kanyang kauna-unahang foreign trip mula nang maupo sa pwesto.

Nuong Lunes, nagpalitan ng defense at security cooperation agreement sina Marcos at Joko.

Ito ay nagbibigay daan sa dalawang bansa na mag-sama sa military drills at mag-share ng mga impormasyon.

Ayon sa mga pinuno, ang Association of Southeast Asian Nations ay may crucial role na dapat gampanan sa pagpo-promote ng regional stability.

Sa isang pinag-samang press conference matapos ang kanilang pag-uusap, “Napag-kasunduan namin na ang ASEAN ay magiging pangunahing ahente sa pag-babago na nais nating makitang magpa-tuloy na mag-dala ng kapayapaan sa ating mga bansa,” ayon kay Pres. Marcos.

Ani naman ni Joko, “Ang Indonesia ay nais masigurado na ang ASEAN ay ipagpapa-tuloy ang pagiging locomotive of regional stability, peace at prosperity.”

Ang Pilipinas at Indonesia ay nakipag-talo na sa Tsina dahil sa territorial rights at intereat sa South China Sea, kung saang ang Beijing ay nagpapa-kita ng kanilang kapangyarihan.

Napagkasunduan nina Marcos at Joko na mag-tulungan na mas paigtingin ang pag-manage ng maritime borders.

Si Marcos ay lilipad patungong Singapore ngayong Martes sa second leg ng kanyang overseas trip.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund