Ayon sa Brazilian media, ang lalaki ay orihinal na taga-Brazil ay suspek sa pag-patay sa kanyang asawa at anak sa kanilang tahanan sa Osaka, western Japan ay maaaring nag-tatago sa bahay ng kanyang mga kamag-anakan sa Brazil.
Ini-lagay ng Osaka police ang 33 anyos na si Barbosa Anderson Robson sa nationwide wanted list nitong Miyerkules sa suspetsang pananaksak nito sa kanyang asawa at anak na babae nuong August 20 at 21.
Ang 29 anyos na asawa nitong si Aramaki Manami at ang kanilang 3 taong gulang na anak na babaeng si Lily ay natagpuang patay sa kanilang apartment sa Sakai City, Osaka Prefecture nuong August 24.
Dalawang araw bago mangyari ang insidente, tumawag umano si Barbosa sa kanyang trabahuhan at nag-sabing siya ay liliban sa trabaho ng dalawang linggo dahil siya ay nasangkot sa isang insidente.
Napag-alaman ng mga pulis na ang suspek ay lumipad mula sa Narita Airport, malapit sa Tokyo patungong Brazil nuong araw na iyon.
Sinabi ng mga investigative sources sa NHK, gamit ang smartphone ng asawa isang mensahe ang ipinadala nito sa kanyang ina, nuong umalis ng Japan patungong Brazil ang suspek.
Sinabi sa mensahe na huwag bumisita ang ina sa apartment kung saan sila naninirahan ni Barbosa.
Pinaniniwalaan ng mga pulis na ipinadala ang nasabing mensahe upang ma-delay na matagpuan ang mga labi. Ang smartphone ay hindi pa nakikita hanggang sa ngayon. Pinaniniwalaan ng mga imbestigador na dala ito ng suspek.
Kasalukuyang gumagawa ng hakbang ang mga pulis upang mai-lagay sa international wanted list ang suspek.
Walang extradition treaty sa pagitan ng Japan at Brazil. Ang pamahalaan ng Japan ay maaaring kausapin ang Brazil upang parusahan ang lalaki alin-sunod sa kanilang batas maliban na lamang kung ito ay bumalik sa Japan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation