Mga Ukrainians, nag-turo na gumawa ng mga tradisyonal na manika

Ang pag-gawa ng Motanka doll ay pinaniniwalaang pumuprotekta sa pamilya laban sa mga kasamaan at mag-dala ng kasiyahan sa pamilya.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMga Ukrainians, nag-turo na gumawa ng mga tradisyonal na manika

Ang mga Ukrainian evacuees na nasa Tokai City, central Japan ay nag-turo kung paano gumawa ng traditional guardian doll mula sa kanilang bansa sa mga residente ng kanilang host city.

Ang Tokai City International Association ang nag-host ng event nuong Linggo upang mabigyan ng pagkakataon ang mga residente mas makilala ang kultura ng Ukraine.

Ang pag-gawa ng Motanka doll ay pinaniniwalaang pumuprotekta sa pamilya laban sa mga kasamaan at mag-dala ng kasiyahan sa pamilya, ang main part ng event.

Ang evacuees na siyang nag-silbing instructors, ay gumamit ng wikang Ingles at aksyon upang ipaliwanag ang proseso ng pag-gawa ng manika mula sa wool yarns.

Isang booth rin ang ginawa sa site upang ipakilala ang kultura ng Ukraine. Ang mga larawan ng sunflower, isang simbolo ng Ukraine at ang tradisyonal na pagkaing ang tawag ay borscht ay ipinakita rin at ipinaliwanag.

Si Samara Vladislava, na naninirahan sa Tokai City, ay sinusuportahan ang mga Ukrainian evacuees. Sinabi nito na sana sa pamamagitan ng pag-gawa mga manika ay maka-tulong upang mas magkaroon ng interest sa kanyang bansa ang mga residente rito.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund