Mga dayuhan sumali sa Tokyo Disaster drill na isina-gawa gamit ang simpleng nihongo

Ang manual ay nag-lalaman ng maikling mensahe na may kanji at hiragana upang maging gabay sa pag-basa. 

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Isang disaster drill na gumagamit ng simple wikang hapon ang isina-gawa sa Nakano Ward sa Tokyo nuong Linggo upang matulungan ang mga dayuhang mamamayan na tumugon kapag may sakuna o kalamidad.

Mahigit 150 katao, kabilang ang mga dayuhan at volunteer interpreters ang dumalo.

Ang mga opisyal mula sa departamento ng police, bumbero at mga tao sa Nakano Ward City Hall ay gumamit ng manual na naka-sulat sa simpleng nihongo upang ipakita sa mga partisipante kung papaano tumugon kapag mayroong lindol at iba pang kalamidad. Ang manual ay nag-lalaman ng maikling mensahe na may kanji at hiragana upang maging gabay sa pag-basa.

Ang mga dumalo ay binigyan ng instruksyon sa kung anong dapat gawin kapag lumindol, tulad nang pag-tago sa ilalim ng lamesa o protektahan ang kanilang mga ulo kapag walang matataguan o masisilungan.

Ipinaliwanag kung paano tumawag kapag may emergency, sinabi ng mga pulis na mag-salita ng malinaw, at mag-bigay ng tamang impormasyon at maging kalmado.

Sinabihan rin ng mga police officers ang mga partisipante na mag-hanap ng mga poste na nagsasaad ng mga address kung hindi nila alam kanilang lokasyon. Sinabihan rin sila na banggitin ang mga pangalan ng intersections o malalapit na tindahan o establisyamento kung maaari.

Isang Chinese national na ginang na nasa kanyang 30s ay nag-sabi na ang drill ay isang magandang experience, at ito ay maka-tutulong sa kanya na makapag-handa  para sa isang sakuna o emergency.

Isang senior fire department official ay nag-sabi na siya at ang iba pang crew members ay dapat mag-patuloy na mag-aral ng simpleng Japanese upang mas mapa-buti ang pakikipag-usap sa mga foreigners.

Source: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund