Ang karo na nag-sakay ng kabaong ng Reyna ng Britaniya na si Queen Elizabeth II ay dumatung na sa Scottish city ng Edinburgh.
Umalis ang convoy sa Balmoral Castle nuong Linggo, ang summer home ng Reyna sa Scotland, matapos itong pumanaw doon nitong Huwebes sa edad na 96.
Ang kanyang kabaong ay binalot ng Royal Standard of Scotland na may wreath ng mga bulaklak, kabilang ang kanyang paborito, na siyang inilagay sa taas ng bandila.
Naka-pila ang mga taong nag-dadalamhati sa dinaanan ng convoy upang mag-bigay galan sa Reyna sa kanyang 70 taong pamumuno sa trono.
Umabot ang prosesyon ng Reyna sa Palace of Holyroodhouse sa Edinburgh kina-hapunan. Ang mga kawal na naka-suot ng tradisyonal na ethnic kilts ang bumuhat sa kabaong papasok sa palasyo, na siyang tahanan nito sa Scotland.
Dadalhin ang labi ng Reyna mula Holyroodhouse patungong St. Giles’ Cathedral sa lungsod ngayong araw ng Lunes. Mananatili ito ruon sa loob ng 24 oras upang mabigyan ng panahon ang publiko na mag-luksa at mag-bigay pugay sa namayapang Reyna.
Ang labi ay lilipad patungong London lulan ng eroplano ng Royal Air Force sa Martes, bago mai-transfer sa Westminster Hall kinabukasan.
Ang Reyna ay mahihimlay sa state sa loob ng apat na araw upang payagan ang publiko na mag-bigay ng kanilang huling pamama-alam. Ang kaniyang state funeral ay gagawin sa ika-19 ng Septyembre.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation