Ang bilang ng kaso ng syphilis sa Japan ngayong taon ay tumaas, nalagpasan na ang total nuong taong 2021.
Ang syphilis ay isang bacterial infection na naisasalin sa pamamagitan ng pakikipag-talik. Ang mga taong mayroon nitong sakit ay maaaring hindi magpakita ng sintomas, o maaaring mawala agad. Kapag hindi nagamot, ang mga pasyente ay maaaring magkaroon ng malubhang sakit sa utak o puso.
Ayon sa pahayag ng National Institute for Infectious Diseases ng Japan, mayroong 8,155 na kaso ang nai-ulat mula Enero hanggang ika-4 ng Septyembre. Ito ay 1.7 na beses ang itinaas nuong parehong panahon nang nakaraang taon at pinaka mataas na datos na naging available nuong taong 1999.
Ang kabuoang bilang nuong 2021 ay 7,983.
Kapag magpatuloy ang pag-laki ng kaso sa kasalukuyang daloy nito, ang taunang bilang ay maaaring lumagpas ng 10,000.
Si Professor Shigemura Katsumi isang Associate ng Kobe University na siyang namamahala sa syphilis measures sa Japanese Association for infectious Diseases ay nag-sabi na ang pakikipag-talik ng walang proteksyon ay nag-lalagay ng mataas na risk ng impeksyon. Idinagdag pa ni Shigemura na ang mga tao ngayon ay madalas makipag-talik sa iba’t-ibang tao na nakikilala nila sa internet.
Sinabi pa ni Shigemura na ang syphilis ay nagagamot, kaya kung may pag-alala ang isang indibidwal tungkol sa risk ng pagkakaroon ng impeksyon, ito ay hindi dapat mag-alinlangan na magpa-suri.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation