Napag-pasyahan ng pamahalaan ng Japan na iklian ang self-isolation period para sa mga coronavirus na pasyente at i-simplify ng national system para sa bilang ng mga bagong kaso.
Nakipag-palitan ng pananaw ukol sa coronavirus si Punong Ministro Kishida Fumio kay Health Minister Kato Katsunobu at iba pang mga ministro nuong Martes.
Napag-pasyahan nila na ang self-isolation para sa symptomatic o mayroong sintomas ay mapa-ikli na mula 10 araw ay magiging pitong araw na lamang. Samantalang ang period para sa asymptomatic o walang nararamdamang sintomas mula sa pitong araw ay gagawing limang araw na lamang basta sila ay negatibo sa pag-susuri.
Plano rin ng pamahalaan na i-shift sa isang pina-simpleng nationwide total case count system sa ika-26 ng Septyembre. Ang pina-bagong sistema ay magre-require lamang ng mga detalye ng mga pasyenteng maaaring ma-develop at maging malubha ang karamdaman na siyang kailangang mai-report.
Ang huling pag-aadjust ay isinasa-gawa na upang mas mapagaan ang restriksyon ng galaw ng mga pasyenteng nagpapa-galing sa kanilang tahanan. Ang mga pasyenteng mayroon lamang na kaunting naramdamang sintomas sa loob ng 24 oras o mga taong wala talagang naramdamang sintomas ay papayagang lumabas, upang makabili ng mga supply tulad ng paggo-grocery. Kinakailangan nilang mag-suot ng mask at gumawa ng hakbang upang maka-iwas sa pagkalat ng virus.
Plano rin ng pamahalaan na pakinggan ang mga pahayag ng mga eksperto bago aprubahan ang nasabing hakbang.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation