Binago na ng Japan Tourism Agency ang kanilang guidelines para sa overseas tourists bilang preperasyon ng bansa sa muling pag-bubukas sa individual tourists sa susunod na linggo.
Simula sa Miyerkules, papayagan na ng pamahalaan ang mga turista mula sa iba’t-ibang bansa na makapasok sa Japan ng hindi kinakailangan sumali sa guided tours.
Ang mga byahero ay maaaring malayang mag-plano ng sarili nilang itinerary, ngunit ang mga travel agencies ay maaaring sabihan na mag-secure ng kanilang komyunikasyon sa mga turista sa kanilang panahon ng pananatili sa bansa.
Ang pamahalaan ay ipag-papatuloy na i-deny ang entry sa mga byahero na hindi magpapa-rehistro sa mga travel agencies para sa kanilang byahe at akomodasyon.
Ang destinasyon para mga guided tours ay naka-ayos na bago pa man bumyahe. Ngunit ang mga turista ay malayang magpapasya ng kanilang schedule at kakainan para sa araw na iyun.
Ang mga travel agencies ang magiging responsable para sa nasabing tours, at kinakailangan na makuha ang contact number at ilang impormasyon ng nasabing turista. Required din na sabihan ng mga agencies ang mga turista na sundin ang basic anti-infection measures, tulad ng pag-gamit ng face masks.
Ayon sa Japan Tourism Agency, wala namang nai-ulat na dayuhang turista na na-infect ng COVID-19 mula nang mag-bukas ang Japan sa mga bakasyunista nuong Hunyo. Hangad ng ahensya na dahan-dahang tumaas ang bilang ng mga bisita, habang sinusunod ang anti-infection measures.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation